Sep
30
Sterling Komiks Week 2
Filed Under Filipino Artists, Philippine Comics | 28 Comments

New artists making their debut in Sterling’s new komiks line include Thor Infante (wasn’t he simply TOR back in the day?) who is responsible for the cover of Gwapo Komiks above as well as illustrating Lumaban Ka, Totoy Bato, written by Carlo J. Caparas. Dell Barras also makes his debut in Super Funny Komix, illustrating Blanco Negro, also written by Caparas.
Unfortunately, I can’t comment on this week’s Klasik Komiks because only 4 of the 5 titles arrived here in San Pablo City, and Klasik Komiks was the one that didn’t make it. I have heard that this was the best selling title of all 5. I kind of expected it, seeing the kind of story Kroko was, and how Hal Santiago illustrated it.
My favorite this week is still Hal Santiago’s Parcenet-Isolde from Estudyante Komiks. Mang Hal is still thoroughly impressive by creating all this terrific artwork, with a semi paralyzed hand, to boot. He’s the man, is say!
If I can make a suggestion to the Editor, I think you’re missing an opportunity by not building up Lan Medina. In the 2nd part of his story, Hiwaga ng Cadena de Amor, written by Caparas, Caparas’s name is very prominent, while Lan’s is microscopic in the lower corner. I’m not sure if you guys fully appreciate who Lan Medina is. He won’t boast about it himself, because I think Lan is that kind of guy, but he’s easily the most popular guy you have working on all of these 5 comics, and yes, that even includes Carlo J.
Lan Medina is an Eisner Award Winner, and his work is known all over the world. If you can allow subtitles to Carlo J (Presidential Medal of Merit) and Hal Santiago (The Official Philippines’ Greatest Illustrator) then I think it would only be in your best interest to enlarge Lan’s name to the same size as Caparas’ and then attach “Eisner Award Awardee, Best Serialized Story, 2003, USA”. That would surely impress a lot of the fans reading the komiks, and probably even push more people to check it out. The Eisners is tantamount to an Oscar in comics. This is an International award, and your guy Lan has won it. This is no lightweight stuff. Be proud to have him in there and banner his accomplishments.
Can anyone grab me a copy of this week’s Klasik Komiks? I’ll gladly pay you. I’d hate to miss part 2 of Kroko!


























May punto itong si Gerry Alanguilan.Tama ka rito utoy.
Sana ay mabasa ito ni CJC o kaya ipaalam sa kampo nila na dapat talagang lakihan ang pangalan ni Lan Medina sa komiks.Pwede natin siyang ipagmalaki sa buong mundo na kagaya ni Manny Paquiao. Dapat makilala siya ng sambayanang Pilipino.Dapat malaman ng mga tao na meron palang ganito katinding Pinoy sa larangan ng komiks.Kung komiks din lang ang pag-uusapan pagdating sa kasikatan ay dito na ako kay Lan Medina kumpara mo kay CJC.Sa Pilipinas lang naman talaga siya sikat na sikat.Pero kung titingnan natin ay maliit lang naman ang Pinas kung titingnan mo sa mapa ng mundo.Saka sa Pilipinas yata ay mas madalas ay mas may bigat ang mga writer kaysa mga illustrator.Di yata alam ni CJC na mahirap at kahangahanga ang maging isang dibuhista. Sana ay maintindihan niya ito para ang pangalan ng artist ay ganoon na lamang kaliit ang pagkakalagay sa komiks.Natatandaan nyo ba na mas naunang mapansin ng mga tao ang drawing kaysa kuwento kagaya halimbawa ng drawing ni pareng Hal Santiago at drawing ni Karl Comemdador.Kung susumahin ay nakahatak ng atensiyon ito sa marami. Kung hindi mahusay ang nagdrawing niyon ay baka di ganoon kalakas ito sa bentahan.Dapat lang bigyan sila ng magandang bayad sa mga ginawa nila dahil masyadong maliit ito kung ikukumpara sa lakas ng kinita ng komiks kaya kung mababasa mo ito Mr Carlo J Caparas ay sana bago man lang sila mawala sa mundong ito ay makalasap naman sila ng ginhawa sa mga pinagtrabahuhan nila. Ilang taon na lang ba ang natitirang buhay nila sa mundo? Ngayon na siguro ang time na ipagkaloob ang dapat sa kanila at sa mga ibang matatandang illustrator na hindi nakatikim ng ginhawang nararanasan ng mga Pilipinong illustrator na kumikita ng dolyares sa kanilang talent bukod pa sa kita nila sa original work nila na maaring mabili ng mayayamang kolektor. Sana pagkatapos na mapublish ang komiks ng mga matatandang illutrator ay isoli ng CJC-Sterling sa nagdibuho niyon para matikman nila ang kumita ng mas malaki.Mas mahal pa kasi ito kung bibilhin kaysa sa ibinabayad ng publisher,di ba? Dapat nang umangat sila kagaya nang pag-angat ng buhay ng mga ilustrator sa abroad. Kailan ito dapat magsimula? NOW NA!
Gerry,
I agree. The editors of Sterling should definitely enlarge Lan Medina’s name to the same size(or larger) as Caparas’ name on Hiwaga ng Cadena de Amor. Aside from being one of the best “international” artists out there, Lan Medina is one of the nicest, down to earth people you will ever meet. He is very humble, soft spoken, and just an all around good guy. It was my pleasure to finally meet him a few months ago and I’ve become a bigger fan of his work since. The Eisner Award is given only to the best of the best. I don’t think Sterling understands just what they have on their hands. As a huge fan of the comics medium, the name Lan Medina is a bigger draw to me than the name Carlo Caparas.
-Sandy
sir gerry kasama ba sa inilabas ang klasik komiks ngayon.. di din kc ako nakakuha ng copy nun…
Regarding dun sa name ni sir lan medina.. bat ganun nga sobrang liit na parang sinigit lang…
parang nakalimutang ilagay tapos ginawan na lang ng paraan..
hmmm.. nararapat lang siguro na malagyan siya ng title like hal santiago.. now ko lang nalaman yung tungkol sa award.. pero di naman kailangan ng award diba.. mabigyan lang sila sana lahat ng tamang credits sa mga nagagawa nila..
kay sir Thor Infante, gusto ko lang magcomment sa pagkaka-ilustrate niya sa totoy bato.. ganun po ba talaga siya magdrawing or bagong style niya sa pag-iilustrate medyo parang magulo lang.. pero ok naman.. may mga panel lang na minsan di ko maintindihan.. sir gerry yan din ba yung pelikula dati..
yun lang.. overall maganda na ang kinalabasan ng komiks ngayon.. masasabi kong may dahilan na ko para subaybayan lahat ng kwento..
Sa tingin ko baka mas maganda ang gawa ni Thor sa original. Parang di kasi maganda ang reproduction. O baka kaya masyadong grey ang originals at hindi nakuha sa scan? Base sa mga nakita kong gawa nya noon, sa tingin ko he can do better.
The last project I worked with Lan M. was Spawn Mandarin…and I say, it was the hardest but the best inking project I ever did with him.
What if each of these komiks meron articles about the artists and writers? It’ll be great for the new and old readers to know what’s about with these great talents. Para naman pagpahalagahan naman ng mga mambabasa ang dedication ng mga gumagawa ng komiks.
Syempre, sana meron Letter Sender page…or meron na nga ba? :D
-ed
Guys, come to think of it, at first glance one can conclude that Medina’s work is WORLDCLASS.
Hindi nila ilagay ang tamang credits? Sa kanilang disadvantage ito, hindi kay Lan Medina.
Pero doon sa mga nakaiintindi ng kung alin ang may kalidad na trabaho… Medina’s drawings say it all. Maski ba mas malaki ang BILLING (billingitis) ng iba kung hindi naman de kalidad ang gawa… wala rin.
Kumbaga ayon kay Pareng Bill (William Shakespeare), “It was a tale told by an idiot, full of sound and fury, signifying nothing.”
BTW
ano naman ang ginagawa ng mukha ni ROBIN PADILLA diyan sa Totoy Bato?
Akala ko kumita na ito noon. Bakit mambabato na naman yata uli ito sa sinehan?
Mr. Waiter: Wala na po ba kayong ibang putahe dito sa restaurant ninyo? Sawang-sawa na ako sa menu ninyo. Kailangan sigurong mag-hire naman kayo ng bagong cook?
Oo nga. At Dapat i-explain sa masa kung ano ang Eisner Award, the Best among the best, sa Latin, PRIMUS INTER PARES, First among equals at si Mr. Medina lang iyun, isang Pinoy na illustrator from ——–(fill in the blanks). Mag feature din sila ng isang page para sa mga illustrators/ writers with accompanying RECENT photos, para ma-familiarize naman ang mga fans.
sana di tayo umasa sa wala sa billing na yan. pero hats off kay kuya lan, di naman nagrereklamo.
mabuhay ka!!!
Nako, wag tayo tumigil umasa Ner! Lalo na pag inaasahan natin ay makaka buti sa ating kapwa dibuhista. Di talaga magrereklamo si Lan kasi humble na tao yan. Kaya tayo dapat ang magreklamo para sa kanya. Mahirap na yung mga mayayabang na lamang ang laging bida.
Para kay RICARDO kung sino ka man.Tol. huwag mo namng banatan ang mga artist na nasa abroad.Gumawa ako sa komiks ng sterling na taos sa puso ko at wala akong gustong tapakan man lang
na isa man sa mga nakasama ko diyan.Marami na akong napapuntang artists dito katulad nila Danny Taverna, danny tolentino..to name a few.Ang usapan sa sterling ay ibabalik ang mga originals PAGKATAPOS MAPUBLISH! ano ang ipinagpuputok ng butse mo? gumagawa ka ba sa sterling.Bakit binanggit mo pa na kumikita kami ng dolyares dito sa abroad? o sa pilipinas? Sa katunayan hindi ko pa alam kung ano ang ibabayad sa akin at wala akong pakialam kung bayaran man nila ako o hindi. Ang gusto ko mlang ay bumalik ang komiks diyan para naman ang mga kaibigan ko at lahat ng mga artist ay makinabang.Malaki ang pagmamahal ko sa komiks dahil diyan ako nagsimula…Kanya-kanyang ambition lang yan.Inambisyon kong makarating sa abroad kaya eto ako ngayon.Pinapunta ko rin dito yung anak ng kumpare mong si Hal at wala silang narinig sa akin na sumbat man lang.Kung may galit ka maqn o anuman sa mga nandito sa abroad,huwag mo na kaming banggitin dahil nanahimik kami rito at wala akong pakialam kung anuman ang banat na gawin ninyo sa sterling o kay carlo, dahil hindi ako gumawa sa kanila dahil sa pera.Hindi ko na sagot kung walang nangyari sa mga hindi nagambisyon na pumunta sa abroad dahil sa iba ang pananaw nila sa pananaw ko.Kaya please, huwag mo nang palakihin pa ito at mananahimik ako uli.nakakasakit lang mabasa na kumikita kami dito at kayo e hindi…Bakit kaya?
Dell Barras
javlin47@yahoo.comedia-blastoff.net
Mabuhay ang pinoy artists!
Para sa iyo pareng Dell,
Namis interpret ka sa post ko at pasensya ka na dahil baliktad yata ang pagkakasulat ko, sorry uli pare ko.Yung orig naman na kung maibabalik ay salamat naman kung ganun dahil ang pinagbabasehan ko ay ang naririnig ko at di malinaw na kondisyon regarding original works ng artist. Syempre naman na kumikita ng dolyares dahil sa talent pero di iyon sa Pilipinas na sinabi ko.Baka nga malabo itong pagkakasulat ko pareng Dell at ipagpaumanhin mo na at baka medyo malabo na rin ang mga mata ko.
At saka wag kang mag-alala pare dahil di ka naman nagkulang sa grupo at ikaw nga itong maraming naitulong sa kanila di ba? Di biro ang ginawa mong pagko contibute mo ng nobela kay Carlo. Pasalamat nga kami at isa ka sa mga gumagawa ngayon sa komiks hindi dahil sa pera kundi para sa pagbalik muli nito.Mabuhay ka Dell.
Sa ibang nakabasa ng una kong post na medyo nasaktan ay pasensya na dahil baka namis interpret din kayo ay di ko naman magawang edit iyon dahil naipost na ito.Kayo na lang ang bahalang umintindi.Kanina ay muli kong binasa at napansing kong hindi nga malinaw intindihin.Again, sorry mga kakomiks.Let’s change the topic.
Gerry,
Hindi pa lumabas ang Klasiks Komiks. Yun ang sabi ng tindera duon sa binilhan ko. Di rin nya alam kung kelan. I don’t know if it’s just me, pero I think Lan Medina’s work here is a bit, for a lack of better term, low key? Parang sobrang ordinary yung gawa nya sa Cadena De Amor compared sa mga international works nya. And the printing doesn’t help either. We all know for a fact that he is much much better than this.
Ito naman ay hindi sa panggagatong ha, as in adding fuel to the fire. Let me just tell you all that if there’s one illustrator I respect, it is Dell Barras. Hindi rin ito patronizing just because I used to learn drawing from him when I was new in komiks.
Tunay na matulungin si Dell. Kadalasan pa nga NAABUSO siya ng mga humihingi ng pabor sa kanya.
Siya ang taong kahi’t kailan ay hindi ko nakitaan ng selos o inggit sa kapuwa niya artist. Close sila ni Carlo Caparas, in fact, magkumpare pa sila. Hindi kataka-takang tulungan niya si Carlo at ang pagbabalik ng komiks.
Hindi masama ang pagbabalik na ito ng komiks. May mga bagay na dapat ayusin para lalo itong umangat. Dahil kung mayroon mang panahon na gawin na itong tama… ay ito na nga.
Personally, wala akong maipipintas sa trabaho ni Dell. Laging 100% ang ibinubuhos niyang effort sa bawa’t gawin niya. The quality of his drawings in Blanco Negro is superb. Hindi rin puwedeng mapag-iwanan ang style niya dahil kung mayroon man akong kilalang artist na maaring mag-adjust ng style at a drop of a hat… iyan ay walang iba kundi si Dell.
As you can see… kahi’t kelan ay hindi ko tinuligsa ang mga drawings ng CJC komiks. Tinutuligsa ko ang writing dahil hindi na ito umaabante. Ang mga drawings ay napakagaganda at talagang pinaghirapang gawin.
May ilang bagay lang ang CJC komiks na dapat siguro ay alisin na, tulad ng pagbibigay ng TITULO sa ilang artist. Malaking insulto kasi sa ibang artist na mas mahusay din, ang walang titulong isinasama sa pangalan ng mga ito. Let the readers decide on that. If some people think that Hal Santiago is the GREATEST Filipino artist alive… paano naman kung sabihin kong sina Dell Barras, Lan Medina at Gerry Alanguilan ay mga royalty sa larangan ng pagguhit?
Para sa akin, alisin na itong mga “greatest” na ito at counter-productive lang sa moral ng ibang artists.
Kailangang pantay-pantay.
And for you, Dell, ignore your detractors. You’re doing just fine and no one can put you down. Not even Mr. “O” can do this to you :)
Kuya Dell,
Kumusta na po kayo? I can’t wait to see your new komiks artwork. From our conversations, I remember how you always wanted to somehow help out the komiks industry here. Taking some time from your hectic schedule to create new komiks just shows how passionate you are about the medium.
Mabuhay kayo!
Mabuhay ang lahat ng pinoy artists!
Pahabol:
Kung ang title ay AWARD na may merit na tulad ng kay Lan Medina, DAPAT lang na isama ito sa kanyang by-line. This is the legit blurb that CJC can add in Medina’s name.
This sort of thing will be truly productive because it will serve as an inspiration to other artists.
Whereas, the GREATEST title doesn’t hold much liquid. If ever, it is more of ANNOYANCE that’s bordering on the RIDICULOUS side.
There. I hope I made my point clear to everyone.
well said, ricky! Basta nandito lang ako, kung kailangan ninyo…
dapat ang title ni Sir Lan na mas akma:
Philippines Humblest Artist… e di maski anong title pa ang nasa iba e wala na agad panama LOL
pero ok yung binaggit ni Ed, dapat ng may profiles yung mga creators
JML
Thanks for the support…Kagaya ng nasabi ko wala akong pinapanigan.i just like to help the industry, period.Hindi rin naman kami magtatagal at yung next generation na ang papalit sa amin.,kaya i’m doing my best to help.Basta nandito lang ako, kung kailangan ninyo ang tulong ko,,,just let me know!
Ang problema kasi sa award-giving ng KOMOPEB noon, hindi ito naging institusyon. Hindi na nasundan. Kaya yung mga nanalo noon parang dala-dala na nila ang titulo hanggang ngayon kasi nga one and only lang yung award na yun. Pero kung nagtuloy-tuloy, marami pang iba ang magwawagi at magiging awkward na sabihin mong “greatest” ka kung ang award na napanalunan mo ay napanalunan din ng iba. Gaya ng FAMAS, puwede bang sabihin ni Nora Aunor na “Philippine’s greatest actress” siya porke nanalo siya rito samantalang FAMAS-awardee rin sina Vilma, Sharon, atbp. Although may Eisner award nga at iba pang international awards (na mas mabibigat ang criteria) pero sa masang Pinoy na tagasubaybay ng “masang komiks” laging mas pamilyar ang “local awards”.
Do we need another “award giving body” in komiks? Maaaring sabihing “kababawan” lang ang award. Pero sa mga baguhang nangangailangan ng recognition, an award is everything. In the case of Lan, he got the recognition. Not in the country but abroad. But not every new komiks artists will have the same luck (even if as talented) like him. So why not give awards right there (kasi wala ako sa Pinas he he) in the Philippines.
Competition urges players to play competitively, di ba?
Marami na akong natutuhan sa ibat ibang website na nababasa regarding comics at salamat sa lahat dahil nakatulong naman ito ng malaki di lang sa akin kundi sa komiks industry mismo.Sa gitna ng mainit na pagsalubong ng mga kababayan sa komiks ni Carlo Caparas ay nag-iisip ako na magpublish at least 2 titles man lang ng komiks at nationwide ang distribution nito.Gusto ko full colored ang comics para mas appealing. Meron akong sariling maliit na makinarya para gawin ito. Ang problema ko lang ay ang kung paano ko ito sisimulan.Hindi ganito ang una kong business at I hope na marami pa akong resourses na mapagkukunan.Maganda ang marketing strategy ng Sterling.
Mga kakomiks,ito na lang muna, again thanks a lot.
Balik dun sa Klasiks, Gerry… Doon sa binilhan ko, apat na kopya lang daw ang dumating kaya naubos agad. Hindi ko alam kung nagkamali lang ng allotment sa distribution or kung nag-underprint sila.
Reno, lumabas ulit ako kanila para tingnan kung may dumating na Klasik Komiks, pero wala pa rin. Ayayay! Sana may maabutan pa ako pag luwas ko on Saturday, pero by that time baka nagsilabasan na ang mga 3rd issue. Daan kaya ako kina Mang Hal… dumadaan kasi ako lagi doon sa kanto ng Taft at Edsa tuwing pumapasok ako. Ok lang kaya?
Hello Dell! Long time no see! Natutuwa ako sa kwento mo… mga manok! :D
Fermin,
Yung mga award-giving bodies naman sana, eh i-klaro naman nila ang awards na binibigay nila.. Dapat mi time frame. Yung ki the greatest, eh seguro , ng taon lang na yun, at hindi lifetime. Wala pa akong naririnig na lifetime award except yung National Artist. Alam mo naman na yung OSCAR,FAMAS, GRAMMY etc awards eh annual, good for one year lang, at hindi pang habang buhay. Yes, awards are good for the ego, at saka sa bulsa rin kung mi kasamang cash.
Gerry, si Mang Hal naman laging open to visitors. Siguro puwede mo ipa-xerox kung wala na talagang kopya. :D
sir gerry pag nakakha ka ng xerox.. penge ng copy.. hehehe.. wala na bang paraan para makakuha ng issue ni kroko..
sir gerry di na ba sila magrereprint ulit sakaling wala na talaga..
salamat..
kay sir ricardo.. sana mtuloy yung binabalak niyang titles.. para dumami ulit ang komiks at matuloy din yung pangarap ko na maging komik artist..
Hi Gerry
I miss you man! I will be there, january, and you are the first person i will see.
Akala ko nga tao ang ibibigay sa aking hero, pero manok pala! Puwedeng mag-guest si elmer diyan a!Hanggang ngayon e hindi ko pa alam ang style ne gagawin ko…I’m lost dahil sa tagal ng di ko paggawa ng komiks.But I’m happy that there is komiks again…it brings back memories!Mabuhay ka Gerry!My Day is not complete if i dont go to PKMB…