Sep
21
Why It’s Hard To Shut Up
Filed Under Filipino Artists, My Comics, Philippine Comics | 50 Comments
Old pal Ferres left a comment a while back:
“But Gerry looks cute. You kinda want to pet him… until he starts ranting that is. ;P”
He.he. I actually laughed at that. Thanks man! I actually know Ferres from waaaay back. He’s one of the very first people I met in comics, long before I met guys like Leinil or Whilce or Budjette. I met him probably at the same time I met Jaime, who also posts here and sends me drawings once in a while.
This isn’t really a response to Ferres, but rather a jumping off point of something I wanted to talk about. I’ve been doing this online journal thing since 1997, and I really haven’t stopped since. And somewhere within those things I’ve written are quite a few hard rants about things that really concern me.
I guess I really just can’t help it. I considered not doing it anymore and not care anymore, but I found I just couldn’t. I have to talk about what I want and what I think about, and I will say it the way I want to say it. Yeah, I get a lot of hard replies back, and I’m sure some of you (and don’t you deny it), roll your eyes, and say to yourself, “There he goes again!”, shaking your heads in amusement, maybe frustration.
Do you think I enjoy being contradictory, sometimes even combative? Do you think I enjoy engaging in heated debates with people? I really don’t. I’m the last person who cherishes confrontation of any sort. I’m one who want people to be friends and get a long, have a beer and sing a song.
But when I see something I don’t like, specially in the local comics industry, something I feel is unacceptable, and hardly anybody or sometimes NOBODY cares enough to speak out about it, what am I to do? By my silence I go along with it, and by my silence I support and promote it.
As an example… It’s hard to ignore the proclamations and pontifications of Carlo J Caparas with regards to “The Return of Komiks!”. The impression his entire crusade has given is that Philippine Komiks is dead, and that he blames himself for it, and now that he is back, Komiks is back and is alive again.
I’m sorry, but it’s hard to ignore things like that, specially when these are statements plastered on gigantic billboards a hundred feet tall, proclaimed on nationwide newspapers, broadcast all over the country by radio and television. He reaches millions of people with this message. MILLIONS.
Does anyone go to Carlo J and tell him, hey, komiks are NOT dead, don’t you now? That it never was. That in fact, komiks is very much alive long before you came back? That maybe you could ease up saying that because it disrespects a whole generation of young Filipino comic book artists who have created comics out of their own initiative?
No, these people go to ME, and to THIS BLOG, which has a readership of maybe less than 300 people a day. THREE HUNDRED, and tell ME to shut up. Wow, how fair. How democratic.
*******
To be fair, I get the feeling that somehow our message is getting through and change is in the air. I get the feeling that they’re becoming more open to younger people, and that the idea that “komiks died” is a notion that is fast disappearing. I hope!
I don’t WANT to be combative. All I really want is for Carlo J. Caparas and all other like minded people to see and recognize our accomplishments and that in their absence, we have taken up komiks on our own and tried our best to keep it alive. We aren’t here to say we’re better than you or we can do it better than you, or that we’re here to REPLACE you. We just want to be accepted and our accomplishments recognized and given due credit. And that as young artists, we have a LOT to contribute to the evolution and continued existence of Philippine comics.
And if this blog and the online museum hasn’t made it plain enough, I can speak for a lot of people that we do remember, respect and celebrate the accomplishments of those who came before us, and it would be our extreme honor to be working with you to continue the revival of Philippine comics.


























sir gerry.. ang puso mo..
ok pa?..
mukhang mainit ang article natin ngayon ha..
di man ako ganap na artist.. ramdam ko yung gusto mo at gusto ng lahat ng artist na ipaliwanag..
Hindi namatay ang komiks industry.. nanahimik lamang ito.. pero di natin maikaila na isipin ng ilan nating kababayan na nawala ang komiks dahil unang-una di mo na sya makita na itinitinda sa mga newsstand sa sidewalk.. makikita na nga lang natin ang komiks sa mga mall, sa bookstores.. diba..
yun ang tingin kong dahilan bakit ipinapamulat ni cjc na bubuhayin niya ang industriyang di naman namatay..
malay ba nung mga sinabihan niya (“masa”) na nageexist pa nga ang komiks…
against din ako sa sinabi niya dahil nga masakit para sa mga taong nasa likod ng mga komiks (bago bumalik si cjc) na parang di pinahalagahan yung mga obra nila..
kung nawala ang komiks.. bat nandyan parin ang pugad baboy.. ang beerkada.. ang elmer.. ang graphic novel like zsazsa zhaturna etc.. napakarami niyan.. nagkaron lang ng ibang hugis at mas humusay ang kulay at yun nga lang tumaas ang halaga ngunit nararapat naman para sa isang mga makabagong obra…
sana matapos na ang bangayan.. kung may away man e ayusin.. kasi sa huli kung ano man ang patutunguhan ng industriya ng komiks.. ang industriya pa rin ang makikinabang…
Pao, gusto ko maging optimistic. Tulad mo ayaw ko ng bangayan. Sino ba ang may gusto?
Ikaw, ano ang gagawin mo pag nakakakita ka ng pananamantala? Pag nakakakita ka ng mga tao na umaako ng mga bagay na pinaghirapan ng ibang tao?
Para ba sa katahimikan, pakikisama, at sa kagustuhan mong walang bangayan ay tatahimik ka na lang at pababayaan mo ang mga hindi magagandang bagay na nangyayari? Edi parang pinalalabas mo na payag ka at OK sayo ang mga nangyayari. Alam mo, kaya maraming bagay na hindi maganda ang tuloy na lumulusot, at lumalaganap, ay dahil ang mga tao ay walang sinasabi, at umaasa na lang na mawawala na lang kusa ang problema, o di kaya maghihintay ng ibang taong kikilos. Kung ganun ng ganun tayo, WALANG mangyayari.
Alam mo, pag ang mga tao e mababait, at nirerespeto ang bawat isa, wala kang maririnig sa akin.
“Ikaw, ano ang gagawin mo pag nakakakita ka ng pananamantala? Pag nakakakita ka ng mga tao na umaako ng mga bagay na pinaghirapan ng ibang tao?”
natural lang na ipaglaban mo yung karapatan nung mga taong nasa likod ng komiks nung mga panahong naghihingalo ito.. at natural din salungatin ang sinisigaw ngayong pagbuhay sa komiks..
ngunit sa maayos na pamamaraan.. hindi pa ako nakakaattend sa kahit anong komiks congress.. kaya wala akong karapatang magsalita ng kung anoano.. nagsasalita ako bilang mamamayan na gusto lamang ibalik ang industrya ng komiks sa nararapat nitong kalagyan…
kasama niyo ko sir gerry sa pakikipaglaban niyo..
malaki rin po ang respeto ko at paghanga sa inyo sa pinaglalaban niyo para sa kapakanan ng industriyang ito.. ang sa akin lang po kung may mga gustong sumira sa inyo (may ilang blog na rin akong nabasa na laban sa inyo) wag niyo na pansinin… bagkus ay ipakita niyo na lamang sa kanila na ang komiks ay para sa lahat at hindi para sa ilang may pera at malaking pangalan na kayang gamitin para ipagmalaki na sila ang messias..
sana kung ano mang gusot ang meron.. e maaayos..
Uy 300… alam naman natin na 300 is just enough to change history bwehehehe
Pao, yun din ang gusto mo. Kung mapapansin mo ang post ko, lalo na sa huli, yan din ang sinasabi ko.
Pero minsan talaga, para maayos ang isang gusot, kelangang gumamit ng mainit na mainit na plantsa. Diba?
Lol! You got a lot of stamina. :)
Admittedly, I’ve mellowed a lot with age. I’m not much of a rabble-rouser anymore.
I just leave it up to the young-uns.
May nag-aaway? Wala naman akong nakikitang nag-aaway dito, baka nagpapalitan lang ng magkakaibang opinion. Mindi talaga maiiwasan iyan mga kakomiks dahil karamihan naman ay may malasakit sa ating industriya. Si Gerry ay kaibigan natin ang taong iyan at malaki ang respeto ko sa kanya.
Ihiwalay natin kasi ang personal sa opinyon ng isang tao.Hindi porke nagdedebatehan na ay magkaaway agad.Opinion lang niya talaga iyon.Ako na kahit tadtarin man ng atake ay inilalagay ko lang sa isang sitwasyon na diskusyon lang talaga iyon at di pamemersonal, huwag nga lang talaga gawing personalan ang mga atake. Ngayon siguro ay maliwanag na ito sa lahat.- peace
I really don’t feel comfortable about Hal Santiago claiming himself to be the greatest illustrator in the Philippines. Well, napakababaw naman siguro ng reklamo kong yun kung tutuusin at isa pa, ni hindi ko nasisiguro kung siya nga talaga ang may pakana ng pagkakasulat noon sa mga pahina ng mga bagong komiks ni Carlo J. Caparas. Though his art is good.
Sa totoo lang di ko rin naman kayo masisi kung naiinsulto kayo o sinasamaan ng loob sa ginawang ad campaign ni Carlo J. Caparas. Ang komiks sa aking palagay, gaya ng ibang forms ng art ay hindi naman contest o matter of ranking but rather a means of communicating your stories as well as self-improvement. That is why I don’t see the point in making grand proclamations gaya ng pagiging greatest illustrator o kaya ng pagiging taga-revive ng komiks na namatay na daw.
My apologies for being too wordy here. Hindi ko lang masabi sa ibang grounds ang aking opinions kasi kahit illustrator ako, napakakaunti ng experience ko sa komiks. Pakiramdam ko kung sa DA ko ito sasabihin, kung anu-anong comments ang makukuha ko. Mas objective mag-comment ang mga napo-post dito e.
Strange how one thing leads to another. Once there was a “komikeros’ dream” about the resurgence of komiks in the Philippines. A better komiks. An evolved komiks. A komiks that will ultimately be recognized for its role in the popular culture, arts, and literature. There was unity in this dream. Some honchos, politicos included, found a way to use komiks. A so-called “komiks congress” was held sponsored and funded by government offices such as NCCA and KWF. A so-called “caravan” was launched which was also sponsored (partly or otherwise) by public funds. Now a certain Mr. Caparas is claiming in the popular media that he “resurrected” komiks as no other person could have done it. As the self-titled “king” of komiks it is but fitting, or so he implied, that he will also be its “messiah”. Things happened so fast. Now he has a line of komiks to sell in the market under a company called Sterling. One tends to think that all the efforts of komikeros for the last several years to keep the “spirit of komiks of the Filipino people” alive culminate in the appearance of these Sterling/Caparas products that “brings back”, on a mass-scale, komiks in the Philippines. They will surely benefit from the resurgence of interest in komiks as they believe that it was Caparas after all who was responsible for this “resurrection”. Never mind the sincere and self-less efforts through all those long years by komikeros that they do not even know. They will benefit from the public funds invested by NCCA and KWF for the interest of komiks. After all, there was no clear reason for those use of public funds why not let dear friend Caparas, a certified GMA boy, reap its positive effects, if any. Komiks may be a “minor literature” with “minor visuals” but its writers and artists know how to use perspective. Or could it be that even this was lost?
Haven’t bought any of the komiks yet…wala ba sa covers ang pangalan ng mga gumawa sa loob ng bawat komiks? It’s sad na NAPAKA LAKI ng name ni Carlo J. pero wala sa labas anga name ng mga artists and writers kung ganun.
Sana naman meron sa mga susunod.
-ed
you’re right sir gerry..
hehehe…
maiba tayo.. napanood mo na ba yung commercial ng isang product di me marecall kung ano e.. napansin ko lang c polgas ng pugad baboy..
astig no pati commercial..
parang wala kong nakita na interview mo sa mga local artist..
kung meron man.. pwede pengeng link.. kung wala di mo ba itry?..
cge po.. sana makabili ako mamaya nang buzz magazine..
cge po..
Sa mga anonymous na nagpopost, NGAYON LANG BA KAYO NAGBASA NG BLOG NA ITO?
Kasi sa totoo lang, WALA sa lugar ang mga hirit nyo. Ang reaction ko ay… “HA??” Saan galing yun?
Masyadong obvious na hindi nyo nabasa ang mga dating sinulat ko dito.
Suggestion ko lang, bago kayo humirit, magbasa nga muna kayo ng mga nakaraang post dito, at makikita nyo lahat ng sagot sa mga nirereklamo nyo.
Pasalamat kayo na hindi ko pino-post ang mga message nyo kasi sa totoo lang, magmumukha lang kayong tanga.
Gerry,
I live half a world away and I wouldn’t know who Carlo Caparas is, if not for your online journal. You may have a readership of 300 (I am quite sure it will keep growing), still you are able to reach interested people from all over the world. I would say, your journal, your Comics Museum, featured artists and all that has a lot to do with resurging, reviving, revitalizing, resuscitating or resurrecting (if it were ever dead and I don’t think so), or just plain making it exciting again, the comics industry in the Philippines. Mabuhay itong blog mo and may it live for a long, long time.
Rod
Gerry is right.
Kitang-kita kung anong klaseng PAGYURAK sa mga NAGMALASAKIT na ipagpatuloy ang komiks sa Pilipinas maski na “NAMATAY” ito sa kapanahunan ni Caparas.
Habang gumagawa siya ng kanyang mga MASSACRE, sino ang NAGSAKRIPISYO to keep the dream alive?
Hindi ba’t ang mga kabataang gumagawa ng indies? Ito ang katotohanang dapat nating hindi malimutan.
But what has happened so far? Para bang ang history ng ating komiks ay naka-peg lamang sa kuwatro-kanto na daigdig ng mga tagalog komiks na isinilang noong 1940s, namayagpag noong 1960s at 1970s, humina noong 1980s at bumagsak ang industry noong 1990s.
Dito nagkaroon ng blank space ang history, ayon sa paniniwala ng (HARI?)
Na ang ibig sabihin, FOR 17 YEARS ay wala sa mapa ng PILIPINAS ang komiks.
Na ang mga nagkomiks noong 1990-2006 at hanggang ngayon ay BALE-WALA ang iniambag sa ating bansa.
SINUSUWERTE SIYA! Ano siya… the ALPHA AND THE OMEGA of Philippine komiks? Na kung hindi siya papagitna sa larangan ay hindi magpapatuloy ang komiks? Bakit, siya ba ang L’ENFANT TERRIBLE ng Philippine komiks? KUNG MANGARAP KA’T HINDI NA MAGISING!
Hindi ito ang inaasahan kong REVIVAL na pinangarap ng napakaraming komiks enthusiasts. Ang inaasahan ko, tulad ng karamihan, ay babalik ang komiks na may BAGONG ANYO. Mataas ang antas kaysa doon sa nakaraang BULL CRAP. Mga komiks na MAIPAGMAMALAKI natin sa buong mundo!
Ngayon, maipagmamalaki ba natin itong 5 komiks na ito? Masyadong literal ang pagkakasulat, na akala nila’y puro ESTUPIDO ang mga mambabasa na hindi marunong mag-interpret between the lines. Ang printing sabog-sabog. Ang mga materyales, lalo na sa mga stories ay puro REHASH ng nakaraang industriya.
At ang pinaka HINDI TAMA na ginawa nila ay gawing CLIQUISH ang mga komiks na ito. Sa mga kamay lang ng ILANG MGA TAO at LOCKED OUT na naman yung mga kabataan na namuhunan ng dugo at luha para lang makagawa ng komiks noong ang lumang industria ay namahinga.
Hindi ito ang tamang paraan ng pagbuhay sa lumang industry. Out of touch with reality ang mga taong nagpapatakbo nitong 5 komiks.
I am hoping that the new komiks to be launched by Sterling (minus the COURT JESTER… er… the KING … pala…) ay hindi isasara ang pinto sa mga bagong dugo ng Philippine Komiks.
Dahil what a tragedy kung balik na naman sa dating UGLY HEAD ng komiks na MUNDANE, NONSENSICAL, IMBESSILIC, PEDESTRIAN & TRASHY.
Actually, may nagsasabi nga na bakit bumalik sa 80′s yung lumabas na komiks? Akala daw nila new GOLDEN age of komiks? Yan ang problem para sa akin, tayong 300 or less na nagtatangkang ibahin, ayusin at bigyan ng bagong bihis ang komiks ay patuloy sa ating intentions para sa ikabubuti ng Komiks. Tapos sila, yun na. Kainin ninyo, wala namang iba sa market eh. Sa totoo lang, nagulat ako sa script ng ANDRES DE SAYA. As in feeling ko kinuha niya yung lumang manuscript niya sa baul at nirecycle lang ito. Heto mang Joe, gawin mo ito. Wala na akong panahon para iupdate story ko, mga bago naman ang mambabasa ngayon kaya di na nila mapapansin na yun din yung dati kong ginamit na script. Parang ganun ang dating sa akin. Di kaya ang mga dadampot din nito ay mga old readers din na madidismaya dahil pinakain sila ng lumang putahe? Oo obra noon, pero lumang tugtugin na ngayon. Sana may ibang twist naman. Nakabili ako ng 4 na titles sa LRT buendia, wala yung OFW eh. Bumili ako dahil nakakatuwang nandito na nga ang komiks, concrete evidence na serious sila. Kaya lang sana baguhin ng konte ang mga stories and styles nila. Di ko rin malaman kung ano ang nobela sa mga short stories, medyo nalilito ako.
Tungkol naman sa Philippines’ Greatest Illustrator, uso talaga ito noon pa, meron Super artist, meron pa ngang the living legend at kung anu ano pa. Sila sila lang ang nagbabansag sa sarili nila. Pero dati naniniwala ako noong Philippines’ FINEST pa ang nilalagay ni Mang Hal. Sana dun na lang. Greatest kasi medyo too high na. Pero sa totoo lang, si Hal Santiago talaga ang Highlights sa mga books at Si Lan Medina siyempre. So, okay lang ang mga titles nila sa sarili noon, pero ngayon medyo corny :)
May mga MANGA artists na rin ang nagsabi sa akin na nilait na ni CJC ang style na manga, at marami na rin tuloy ang galit, kasi sila ang mga kabataan. ” Hindi ito ang dapat tularan,” parang ganyan daw ang pagkakasabi ni CJC. Below the belt daw iyon.
Pero alam ninyo? maami rin kasi natutulungan ang mga komiks na ito, may iba silang principles. At habang mayroong sumusunod sa likod ni CJC. Mahihirapan tayo, kumbaga kanya kanyang kampo lang talaga iyan.
Pero ito na rin ang tamang panahon para ayusin ang mga gusot. Kailangan malaman muna natin ang lahat ng ating mga karapatan sa ating mga gawa at nililikha bago tayo tuluyang sumulong sa bagong ERA ng komiks, ang mas maayos, mas may dignidad, mas maunlad na komiks di lang para sa mambabasa, pati na rin sa mga gumagawa para dito.
Madaling patawarin ang kamalian ng nakaraan, pero ang maulit ito’ng muli? Kagaguhan na yun. :)
sorry sa long rant,
Gilbert
Monsanto,
Balikan mo uli ang video na nasaa website ni mr coladilla sa sinabi ni carlo caparas. Wala akong papanigan sa 2 grupo na ito, opinion ko lang ito. Ito ang sinabi niya( hindi sa nilalait ko ang manga….) kaya nga sinabi niyang HINDIpara di masaktan ang mga manga artist na alam niyang maraming makakarinig nun.Hindi yun below the belt. Iwasan nyo sana na maging balat sibuyas at intindihin nyong mabuti ang sinasabi bago mag react, pwede ba? Sa 2 magkaibang klaseng komiks ay wala naman maaring maging problema dito dahil parehas namang bibilhin ito ng mga tao. Sa palagay nyo ba ay komiks nyo ang mabibili ng nakararami? HINDI. Ang tiyak na bibilhin ng mga tao ay parehas…. BAGONG style at LUMA dahil maraming klaseng readers tayo. Ang taste mo mr Monsanto ay di taste ng maraming tao at ito ang dapat mong isiping mabuti. Ang pamantayan mo ay di pamantayan ng mas nakararami. Ang tao pa rin ang huhusga kung aling komiks ang gusto nila. Tungkol sa kuwento ay wag mo munang husgahan. Tao ang dapat humusga dahil sila ang babasa nito at kapag ayaw nila ay di huwag. Itigil nila ang nobela at maglabas uli ng ibang kuwento. Naala nyo ba ang BASTED na halos ipagmalaki ko pa sa anak ko nang ipakita ko ito sa kanila? Diyusme, no offense pero dismayado ako sa trabaho ng mga bata at paano ito nakakagawa sa mga comics publisher gayong mas mahusay pa yata itong high school na panganay ko sa inyo. Sabagay ay mareremedyuhan naman ito sa tulong mga mga master at expert sa comics. Magbalik nga kayo sa tamang fundamental ng pagguhit sa komiks, pwede ba? Di iyan kagaya ng pag-aaral magluto sa canteen. Iimprove nyo ang anatomy at gaganda ang mga trabaho nyo. Tanungin nyo sa pareng Dell Barras at baka matulungan niya kayo. Kaya kung ako ang tatanungin ay sa classic drawing pa rin ako dahil tama ang mga drawing nila pero pwede naman mali ako dito sapagkat mga mambabasa talaga ang makapagsasabi kung anong drawing ang hanap nila.
Tama ka ginoong Monsanto na kailangan ngang ayusin ang gusot hanggat maaga pa.Pwede bang sa inyo ito magsimula? Tahimik lang naman ang mga matatandang illustrators at si ginoong Carlo Caparas lang ang nagsasalita. Ang isyu ni pareng Hal Santiago ay wag nyo ng intindihin at ego trip niya iyon. Kung di nyo matanggap ay magkakahusay kayo at lagpasan nyo pa siya? Hindi ba kayo makapagconcentrate sa paglikha ng comics habang nakikita nyo ang nakalagay na philippine greatest illustrator? Takpan nyo ng maliit na papel o kaya itago nyo ang comics na iyon? Mahirap bang gawin iyon?
Sa isyung Carlo Caparas ay wag nyo nang hanapan ng butas pa dahil wala naman maggawang perpecto ang isang tao.Malaking bagay nman ang nagawa niya dahil naipakilala niya ang komiks sa sambayanang Pilipino. Patawarin nyo na siya dahil tao lang din siya. Mabuti pa nga ang mga kayong mga bata dahil nakatapos ng colehiyo.Baligtad nga yata ang nakikita ko na mas siya pa yata ang lumalabas na propesyunal kesa sa inyo sa mga inaasal nyong iyan.
Maganda ang inisip mo na ayusin na talaga ang gusot pero gawin nyo ito at huwag n’yo lang lang isinusulat dito sa mga blog. GAWIN N’NYO! …dahil kung hindi ay walang mangayayari.
Sana naman kapag binabasa nyo ito ay wag magbalat sibuyas kundi intindihing mabuti ang sinasabi rito, maliwanag ba?- peace.
Sorry sa binanggit kong iba lalo pero ang tinutukoy ko talaga ay tamang fundamental ng pagdidibuho sa komiks.Ibang usapan na pagdating style ng drawing at di ako makikialam dito dahil para sa akin ay mas mainam talaga ang iba ibang style kagaya ng manga, western o kaya ay mixed ang style ng drawings.iba iba na kasi ang taste ng mga tao ngayon. Maliwanag ba? -peace
Ricardo..
“Sa isyung Carlo Caparas ay wag nyo nang hanapan ng butas pa dahil wala naman maggawang perpecto ang isang tao.”
Sa totoo lang, banas na banas na ako sa mga argument na ganito. Sino ba ang naghahanap ng perpekto? Alam naman namin walang taong perkpekto. Kaya please lang, everybody, pati na rin ikaw Willie Revillame, wag nyo na gamitin itong banat na ito. Kasi nakakainis lang. OK?
Ang hinahanap lang namin ay wang kaming TAPAKAN. Siguro ikaw Ricardo hindi ka natapakan, pero marami sa amin ang natapakan.
Ano ba ito? Nakalimutan nyo ba na agad kung ano ang nangyari? Ganito na ba ka IKLI ang memory ng mga Pilipino?
Ikaw, pag may kumurot sayo, hindi ka ba aaray? Kami, wala ba kaming karapatang umaray pag kami ay nasaktan? At kapag umaray kami, kami pa ang nagpaumpisa ng gulo, kami pa ang hindi professional, kami pa ang may kasalanan?
“Malaking bagay nman ang nagawa niya dahil naipakilala niya ang komiks sa sambayanang Pilipino.”
Correction ser! Si Tony Velasquez ang nagpakilala ng komiks sa sambayanang Pilipino. Wag nating baguhin ang kasaysayan. Maya maya may mga tao nang magsasabi na si Caparas ang nakaimbento sa komiks. Marami syang nagawa, OO, pero ilagay naman natin sa lugar. Marami syang nagawa para ipromote ang komiks. Ibibigay ko sa kanya yan. Pero yung sinabi mo? Pati ikaw nag-aako sa kanya ng hindi nya ginawa, tapos sasabihin mo wala kang kinakampihan.
Pasensya na, Ricardo. Siguro mawawala lang ang GULO pag nawala na ang SULUTAN, wala nang pang-aako ng pinaghirapan ng iba, at wala nang TAPAKAN. Kung sino man ang gumagawa nito, SYA ang pagsabihan mo. Hindi kaming mga UMAARAY lamang.
Ricardo, di mo ba naiintindihan na tuwing nagpoproclama sila na ito ang “Pagbabalik ng Komiks” ay naiinsulto kami? Natatapakan kami, at binabalewala lahat ng mga likha namin? Hindi mo ba naiintindihan kung gaano kasakit ito, at kung gaano na kasama ang mga loob namin? Tapos sasabihin mo sa amin na KAMI pa ang nasa masama…. sa INAASAL namin?
Sino ang tunay na baligtad dito?
Habang paulit ulit sasabihin yang “Ang Pagbabalik ng Komiks” na yan, PAULIT ULIT din kaming AARAY. At paulit ulit ko ring sasabihin ang panig ko. Mukhang kailangan, kasi ang bilis ng mga tao makalimot.
Di mo lang alam Ricardo, pero maraming nasaktan sa nangyari na ito, hindi lang kaming mga nakakabata. Marami ang sumama ang loob. May mga nagiyakan pa. Pero wala sa kanilang magsasalita publicly. Siguro natatakot na mabalikan, o mawalan ng trabaho, o talagang ugali nila ang tumahimik lang at tiisin na lang ang hirap na dinanas nila. Hindi ko rin sila masisi. Pero hindi ko rin maalis sa isip ko na kapag tatahimik lang ang mga tao at wala silang sasabihin, e lalong walang mangyayari.
E ako, wala akong pakialam. Anong trabaho ang kinakatakot kong mawala? Anong pakialam ko kung magalit ang mga tao sa akin? Kung magagalit ang mga tao sa akin dahil sawa na akong MAGTIIS at TUMAHIMIK na lang, bahala sila. Sawa na ako sa TAPAKAN sa SULUTAN. At ako na lang ang magsasalita para sa mga ayaw magsalita.
Just got word from Budjette Tan that tomorrow, Sept. 24, Sterling is calling all independent creators for a meeting at their office at 3pm. This meeting has nothing to do with Carlo J. Caparas. I don’t know if the sked is confirmed or not, but I do hope that most will be able to attend. I myself cannot, since I have a day job. But please for all those who are free, make yourselves available. Ito na ang hinihintay na pagkakataon ng younger creators. Make yourselves heard. And please, if you need to bring samples, bring your BEST samples.
As for the “Greatest Illustrator” line, Hal Santiago attached that to his name after he won the award for best illustrator a long time ago. It may not be applicable now, but tulad ng sabi ni Ricardo, ego-tripping na lang iyon. Unless may mag-file ng formal complaint sa DTI o kung saan mang sangay ng gobyerno na may authority ukol dito, patuloy niyang gagamitin iyon. I have known Mang Hal for a long time, and I personally don’t agree with some of his philosophies and opinions. But I know him to be very stern when it comes to his beliefs, and nothing anyone says or do will make him change his principles. And I respect that in people.
Much like Gerry here. But that’s not necessarily a bad thing. :)
He.he. Yang kay Mang Hal, napapangiti na lang ako. Kasi bahagi yan ng character nya e. He’s very proud talaga of his craft and his accomplishments. Isa sya sa mga talagang may malasakit sa quality ng gawa nya. At sa totoo lang, ang bagsik pa rin nyang humataw. Tulad ng sabi ni Reno, half paralyzed pa ang kamay nya. Yan ang hardcore! Sana pag tanda ako, kaya ko pa ring humataw ng katulad nya.
OO nga, lahat kayong may free time bukas, attend kayo sa meeting na yun. Pagkakataon na para sa ating generation na huwataw ng sarili natin! Pakita natin na hindi kelangang mag-alala ng mga nakakatanda sa kinabukasan ng komiks.
Tama lang na magsalita pag may naaapakan. Ang tanong ko lang — si Caparas ba yung naglagay ng billboards na malalaki na may nakasulat na kinagagalit ng ilan? Diba Sterling ang naglagay nito? Diba marketing department ang in-charge sa mga promotional materials? Bakit kay Carlo Caparas nakatuon itong posting at hindi sa marketing ng Sterling?]
Pag di kayo nasarapan sa Chicken-Joy, kay Aga Mulach ba kayo magrereklamo?
Robby, you underestimate the role and the influence that Carlo J Caparas has.
And your analogy doesn’t work. Aga Mulach doesn’t cook Chicken Joy.
But Carlo J oversees the creation of these komiks, writes some of them, and he has his name on them. And I can bet you that he has a hand in many of the ideas behind the manner in which these comics have been created and promoted.
He’s a very intelligent and cunning man. He’s very much the politician, and he knows how to be one very well.
Aba! Bakit sa akin na galit? Eh hindi naman ako ang Manga artist na UMARAY. Nagsumbong lang sa akin. Labo naman talaga ng iba rito no?
At hala! Maganda naman ang sinabi ko kay Mang Hal ah. Napaguusapan lang at sinabi ko naman na talagang pinakamahusay siya sa bunch di ba?
Susmarya!
Gilbert, victims tayo ng “selected reading”.
No analogies then.
So we’re back to the old argument that when you’re in bed with CJC, you lose all your authority, responsibility, and free will. Thus, you are absolved of all wrong-doing — because CJC made you do it. That theory doesn’t speak well of Mr. Cadlum, does it?
I have a simpler explanation — the mob will tend to blame the easy target because he’s evil, insensitive, makes bad massacre movies, and wears shades indoors. We can’t blame the marketing guy who’s responsible for that billboard because he’s a nice guy who’s out to do good for comics.
I don’t underestimate CJC — but I think you are underestimating the people he works with.
You do me a great disservice, sir, by asserting that my opinions on CJC is solely based on his “looks”, his movies, etc. I guess that only goes to show how little you think of me or of my opinions. Well, OK, if that’s what you believe. But it was you who said he’s evil. I never said that.
Martin is a creature of business, and that’s how I perceive and understand him. He has acted, as many of you have so emphatically pointed out, according to “business”. And going with CJC over Mango is definitely the better business arrangement. It does not however, mean I am happy with it. And whatever I personally feel about Martin, I can assure you that he knows, and it has consequences in my future actions and decisions. You’ll just have to wait and see.
Aba! Bakit sa akin na galit? Eh hindi naman ako ang Manga artist na UMARAY. Nagsumbong lang sa akin. Labo naman talaga ng iba rito no?
At hala! Maganda naman ang sinabi ko kay Mang Hal ah. Napaguusapan lang at sinabi ko naman na talagang pinakamahusay siya sa bunch di ba?
Susmarya!
Monsanto,
Diskusyunan lang naman ito at dont wag mag-alala sa mga sinabi namin dito dahil wala namang nagagalit sa inyong dalawa ni Gerry.Dapat na masanay na tayo sa ganito na magkakaiba ng opinyon.Tungkol kay pareng Hal ay kahit naman mga kasamahan namin ay di rin sang ayon sa paggawa ng ganung titulo.
Ang wish ko lang ay sana naman ay makaabot sa kaalaman ni Carlo Caparas na tigilan na rin niya ang pagsasalita ng ganun para wala ng sumama ang loob lalo pa ang mga bata na siyang future comics illustrator.Dapat pala sa kabilang kampo ay mayroong madalas na makabasa dito sa website na ito para may mamagitan at para na rin malaman nila ang boses ng mga bata.
Baka naman akala ninyo dito ay sa kabila lang ako pumapanig ay hindi naman ganoon mga katoto.Mga kaibigan ko kayong lahat dito.Maliwanag ba?- peace.
Looks? I didn’t bring up his looks. If you mean the shades thing that’s supposed to reflect character, not looks.
Please don’t make this a “Robby belittles Gerry’s opinions” thing. I respect opinions. It’s factual assertions that have no basis I’m against. In this case — it’s the assertion that CJC is responsible for those billboards and their message, not Sterling marketing. That point of contention should be a matter of fact, not opinion.
Indulge me for a while — in every medium to large company I’ve worked in, for and with, all marketing campaigns are under the marketing department, headed by a marketing VP. Kahit na marami pang pinanggalingan na input at opinions at comments yung ginawa ng marketing, at the end of the day, marketing is responsible, not the multitude of people who influenced what they did. It’s going to take a lot more than CJC’s reputation to reasonably assert that in the case of Sterling, it’s different.
Sorry for using the word ‘evil’, but I was just using it to summarize what you’ve written about him. He’s been described here in various postings as a snake, bwakaw sa negosyo, a showboat, credit-grabber, egotistical, insensitive to indie creators, and the guy responsible for 7 Inquirer cartoonists losing their job. Even if for the sake of argument we say it’s all true, it doesn’t change the entirely reasonable assumption that the person responsible for Sterling’s marketing, is it’s Marketing VP, not Caparas.
I’m not trying to dispute what you all think of him. Just pointing out that what you’re complaining to the wrong department.
Like I said Robby, you’re underestimating CJC’s role in all of this. You’re concentrating on the billboards and disregarding the other things like TV, radio, the Congress, the Comics Caravan… put all of that together, you can see a massive publicity campaign of him, his mission, and yes, specially komiks, and he’s driving it, man. The billboards are simply the back end of it. He’s showbiz. He knows exactly how to work it and publicize and spread the word. That’s a large part of his character and how he does things.
You say you’re not underestimating him and that I’m underestimating the people he works with. Well that’s fine then.
If you feel that there is some sort of imbalance here and that something should be said for the people CJC works with, then please, be my guest.
Ultimately, with regards to CJC, I think I’ve given him all the credit that he’s due. I feel I need to reiterate it here, lest people concentrate simply on my criticism of him.
He’s done a lot for komiks, and he played a big role in spreading awareness about it during the past year via the Komiks Congress and the Komiks Caravan. He donated a huge amount of money for contests, and many other things, which further bolstered komiks and the interest surrounding it, all over the country.
He’s managed to coax a lot of the veterans, specially Hal Santiago, to give their best possible work and we’re seeing it all in the komiks.
As much as he wants to take responsibility for it, I don’t blame him for the decline of komiks, as I believe it was declining long before he left in the first place.
I’ve thanked Carlo J for this efforts and contributions several times in this blog, and I meant it every time.
This is for the latecomers who might have missed all of this, and come away thinking that I’m all hard up against the guy.
mainit ang diskusyon ha.. hehehe
yun.. ok na?..
sa totoo lang malaki naman talaga ang naiambag ni cjc sa komiks industriya at walang problema kung sasabitan man siya ng medalya (ang tanong kung para saan yung medalya).. ibinalik niya yung komiks sa lugar kung saan mas maraming bibili at mas makakakilala.. pero ang gusto lang naman ipahiwatig nila sir gerry ay wag naman kalimutan o mawaglit na habang kailanman hindi nanahimik ang komiks… sa totoo lang na nung panahong wala na ang mga komiks sa mga newstand ay saka ko lang narealize ang kahalagahan at nagpursigi akong suportahan ang komiks na gawang pinoy.. style manga yung iba pero… kamay pa rin ng pinoy ang may gawa..
wow, mainit talaga ang usapan dito, parang cjc vs alanguilan. he he he
pero sa totoo lang, kung umattend kayo ng kongress at narinig niyo yung mismong mga punto ni cjc at joelad ay magagalit kayo or kung hindi man ay maiinis kayo.
di ko naman kailangan isa-isahin pa yun dahil napag-usapan na ang mag iyon.
yun lang
Ginoong Ner,
Nagalit ka?
Pwede mo itong sabihin kay cjc pero di kay joelad dahil siguradong kapag nalaman ng mga kasamahan niya sa komiks doon ay baka ikaw ang resbakan nila.Di mo ba alam na itinuring na hero itong si pareng joelad dahil sa sobrang pagod at sa laki ng naiambag niya upang mapasigla ang industriya ng komiks? Inilaban niya ito sa harap ng mga kilalang tao sa gobyerno at di pa nga siya pinapansin noon at isa na si chairman nolasco ng kwf dahil hindi raw bilib noon sa komiks? Ito ay ayon sa mga nakausap ko na mga kilalang illustrator na nakakaalam ng pangyayaring ito.Punto ba ang tinutukoy mo? Dapat sana ay wala nang bumalik nang ginanap ang ikalawang comics congress kung ganun.Dapat sana ay wala ng pumunta at gumawa ng komiks sa Sterling. Bakit ayon sa nakausap ko ay mas lalong nadagdagan pa ang umattend sa 2nd comics congress maliban na lang sa mga bata na halatang gustong dumistansiya sa events na iyon? Mangilan ngilan nga raw ang nakita ng mga kumpare ko doon na mga bata at sila iyong may malaking malasakit sa komiks.Kailan ba muling pinansin ng mga tao ang komiks at alam mo ba talaga kung anong malaking papel ang ginampanan nitong si Joelad? Psensya ka na at gaya ng dating sinasabi ko ay opinyon ko lang ito at wag dibdibin, salita lang ito pare. -peace
Mmmm…that was some exchange. I guess both the pro and anti CJC advocates have their points. What everyone needs is a common ground. There is plenty of room for everyone. No, I don’t agree with what everything Gerry says. He has his biases, as with everyone. But the thing here is, regardless of his personal feelings for CJC, he knows this is good for the industry and he supports it, his rants not withstanding ( sorry, couldn’t resist ). Now can we all do the same?
“If you feel that there is some sort of imbalance here and that something should be said for the people CJC works with, then please, be my guest. ”
I’m not saying something should be said for/about them, I’m saying if the messages on the billboards offend you, then you should take up your complaints with them. That’s it.
You’re asking me to accept, based on speculation, that Sterling’s marketing is not in control of it’s function. I’m focusing on the billboard and other marketing materials because (1) they’ve offended you and other creators and (2) they’re the ones that I believe should not be attributed to CJC. Obviously, for the other stuff that CJC actually said or wrote himself, that’s his responsibility. Let him have it, in that case.
I saw a similar lack of due diligence in reporting regarding the axing of 7 Inquirer cartoonists. Practically everyone blamed CJC, but hardly anyone complained to the actual people who axed the cartoonists. And now I read somewhere from a comment on this blog that apparently, the decision to let go of the cartoonists was made since last year — which is long before CJC entered the limelight, correct? Unfortunately I couldn’t follow up anymore on that story because Azrael hadn’t answered my question about his blog comment.
Parang ganito kasi nangyari in both cases. You, me and a Pinoy manga artist are in a room. The lights go out and a loud bang is heard. When the lights return, the Pinoy manga artist is dead from a gunshot wound. People accuse you of killing the artist because of your reputation. Never mind that I’m holding the smoking gun.
“The lights go out and a loud bang is heard. When the lights return, the Pinoy manga artist is dead from a gunshot wound. People accuse you of killing the artist because of your reputation. Never mind that I’m holding the smoking gun.”
Ah, but then you probably don’t realize I have one of those infra red thingies. Take that how you will.
I’ve asked you to accept nothing. I’m simply stating my opinion, based on what I know. Don’t accept it if you don’t like it.
As for the Inquirer thing, I don’t recall blaming CJC. I’ve put it squarely on Inquirer’s shoulders. In fact, I even said that it took someone like CJC for Inquirer to take comics seriously again. I also recall someone else giving Inquirer’s contact info here to complain. Why try to pump your side to support your argument against me with things that I never said or did? Focus, man!
from Ricardo
“Nagalit ka?”
oo nagalit ako, may masama ba doon? nandoon ako, nakinig, umasa, pero iba narinig ko? ikaw nadun ka ba? may idea ka ba sa napag-usapan? di na ko nagsalita, dahil may nagsalita na na iba, and guess what? di ko rin nagustuhan yung sagot.
pasensiya na lang kung hindi ko nilunok yung pride ko, para sumama.
“Pwede mo itong sabihin kay cjc pero di kay joelad dahil siguradong kapag nalaman ng mga kasamahan niya sa komiks doon ay baka ikaw ang resbakan nila.”
resbak? bakit ako reresbakan, e andun ako, alam ko narinig ko at sinabi nila yun. andun si randy, si kc, si tita ofie. ano resbak nila sa akin? di ako isasali sa komiks nila? bubugbugin nila ako dahil naninindigan ako?
“Di mo ba alam na itinuring na hero itong si pareng joelad dahil sa sobrang pagod at sa laki ng naiambag niya upang mapasigla ang industriya ng komiks? Inilaban niya ito sa harap ng mga kilalang tao sa gobyerno at di pa nga siya pinapansin noon at isa na si chairman nolasco ng kwf dahil hindi raw bilib noon sa komiks? Ito ay ayon sa mga nakausap ko na mga kilalang illustrator na nakakaalam ng pangyayaring ito.”
hero? andun na ko, hero na kung hero ang dating niya sa iba. alam ko malaki ang pagod niya dito. di ko inaalis sa kanya yun. ibaig mo bang sabihin, bow n lang ako ng bow sa sabhin nila kahit labag ito sa prinsipyo ko? ikaw kaya mong ibenta prinsipyo mo?
kung pagod lang ang pag-uusapan, malaki rin ang pagod ni randy valiente sa kongress. ano tawag sa kanya? si gerry malaki rin ang pagod sa paggawa ng komiks museum at pagpapalaganp ng karapatan ng mga komiks people, ano tawag sa kanya? komiks villain? kaya ba kahawig niya yung nilapa ni kroko?
“Punto ba ang tinutukoy mo? Dapat sana ay wala nang bumalik nang ginanap ang ikalawang comics congress kung ganun.Dapat sana ay wala ng pumunta at gumawa ng komiks sa Sterling.”
punto? aling punto ba ang tinutukoy mo? lahat ng negative about the komiks resurgence has been discussed to death and still being argued. di ko na kailangan magdagdag dahil mas malaman ang sinasabi ng iba. basahin mo lahat, sa blog ni gerry, ni randy, ni john. john and randy have been with the kongress from the start, i would have been there too, pero may day-job ako. kelangan kong magtrbaho para sa pamilya ko.
“Bakit ayon sa nakausap ko ay mas lalong nadagdagan pa ang umattend sa 2nd comics congress maliban na lang sa mga bata na halatang gustong dumistansiya sa events na iyon? Mangilan ngilan nga raw ang nakita ng mga kumpare ko doon na mga bata at sila iyong may malaking malasakit sa komiks.”
so anong problema kung dumami tao? maganda nga yun. wala naman akong problema sa event, ikaw ang nagsasabi niyan. may issues lang na di ako agree at pinalaki mo na.
malamang yung ibang mga kumpare mo e nakainuman ko rin. wala akong problema sa kanila, mababait sila.
“Kailan ba muling pinansin ng mga tao ang komiks at alam mo ba talaga kung anong malaking papel ang ginampanan nitong si Joelad? Psensya ka na at gaya ng dating sinasabi ko ay opinyon ko lang ito at wag dibdibin, salita lang ito pare. -peace
gaya ng sabi ng mga kasama ko di naman namatay ang komiks, nag-laylow lang. di na pinapansin ng mga tao ang komiks, kasi karamihan e basura, kaya nga di na ko bumibili ng komiks e. lumaki ako sa komiks, sad to say, nag-paarkila din at nag-arkila. weekly ako bumibili noon.
gaya ng sabi ko sa taas, i am not discrediting the hard work put up by a lot of people here. just some issues i have problems with.
hindi komo, bayani ang isang tao, e kelangan ng sambahin at gawan ng altar. dapat ay tularan yung mga nagawa nilang magaganda at ibasura yung masama.
peace!
Gerry,
My apologies on the attribution about the Inquirer thing. It’s in PKMB where I saw it, not here. I honestly thought I saw the reference to it here.
Infrared thingies, huh? Maybe CJC’s wearing night goggles, not shades. Predators have to be able to hunt in the dark ;)
hindi komo, bayani ang isang tao, e kelangan ng sambahin at gawan ng altar. dapat ay tularan yung mga nagawa nilang magaganda at ibasura yung masama.
tama ka dito. mabuti na lang at di ito ginagawa ng taga komiks. matatalino naman siguro ang mga beterano at sa pagkakaintindi ko ay di gagawin ang sambahin at gawa ng altar.
so anong problema kung dumami tao? maganda nga yun. wala naman akong problema sa event, ikaw ang nagsasabi niyan. may issues lang na di ako agree at pinalaki mo na.
tama nga pala. ano pala ang issues na di ka agree? dapat pala nagpaliwanag ka dito bago ka nagpakita ng inis sa kanila di ba? linawin mo ang bagay na nagpapainis sa iyo? pwede ba? o kung ano ang sinabi nila?
gaya ng sabi ng mga kasama ko di naman namatay ang komiks, nag-laylow lang. di na pinapansin ng mga tao ang komiks, kasi karamihan e basura, kaya nga di na ko bumibili ng komiks e. lumaki ako sa komiks, sad to say, nag-paarkila din at nag-arkila. weekly ako bumibili noon.
tama ka uli dito. meron naman akong nakikitang komiks na matitino kagaya ng elmer ni gerry alaguilan,maskarado ni reno, yun gawa nina kadyo at bong leal? tama ba? yun namang di matino ang pagkakagawa ng drawing except yun story ay ang BASTED na nakakahiyang mga drawing na nakita ko.kailangan ng improvement at parang hindi dumaan sa training ang mga artist. kay lan medina at bing at noora ang nakita kong magaganda ang trabaho. meron pa akong ibang nakikitang komiks na kailangan pang pagandahin ang mga drawing.
resbak? bakit ako reresbakan, e andun ako, alam ko narinig ko at sinabi nila yun. andun si randy, si kc, si tita ofie. ano resbak nila sa akin? di ako isasali sa komiks nila? bubugbugin nila ako dahil naninindigan ako?
ano ka ba, tsong! nandun ka nga pero di mo naman ipinaalam na inis ka kina joelad at cjc. kung sinabi mo ito nang harapan sa kanila ay di naman siguro maiinis ang dalawa. ang maiinis sa iyo ang ang mga kasamahan niya sa komiks.
kung pagod lang ang pag-uusapan, malaki rin ang pagod ni randy valiente sa kongress. ano tawag sa kanya? si gerry malaki rin ang pagod sa paggawa ng komiks museum at pagpapalaganp ng karapatan ng mga komiks people, ano tawag sa kanya? komiks villain? kaya ba kahawig niya yung nilapa ni kroko?
naku tsong, di ito paligsahan ng pagod. ang salitang hero na tinukoy ay si joelad ay sa mga bibig ng taga komiks nanggaling kaya sila na lang ang tanungin mo. kaya mong sabihin dito ang mga tanong mong komiks villain si joelad at kahawig niya yung nilapa ni kroko? sabihin mo ng harapan sa mga kasamahan niya sa komiks o kaya sa kanya mismo at huwag dito sa website at bibilib na ako sa tapang mo.
kagaya ng dati ay diskusyon lang ito mga kakomiks.-peace
‘andun si randy, si kc, si tita ofie.’
nerp,
sa manila book fair tayo nagkita. hindi ako dumalo sa 2nd komiks congress. at sadyang hindi ako dumalo…
Ganyan talaga ang Inquirer. Pagpasok ko 5 years ago yun na ang sinabi ng mga taga-loob sa akin. Kahit na si Pol Medina ka pa, anytime pwede ka daw paalisin dun, basta mag-decide yung mga editors. Pero may narinig din ako na siniksik din talaga ni cjc yung sarili nya para makapasok sya. Hindi ang Inquirer ang lumapit sa kanya. Siya ang lumapit sa Inquirer.
My 5-year experience with Inquirer is privilege enough. Just need to move on after this. Masakit syempre na nasibak ako at ilan sa mga kasama ko. Di ko nga alam kung paano ibenta yung 3,000 copies ng mga libro ko na nakaupo pa rin sa mga bookstores. Laki ng problema ko. Anak ng tinapay, nangutang pa ako sa kaibigan ko.
Ako din ay hanga sa mga ginawa ni CJC pero sana binigyan nya naman ng konting respeto ang mga nasa younger generation. Marami din kaming ginawang sakripisyo para patuloy na buhayin ang naghihingalong(not dead) komiks industry. I hope this sentiment gets to him because what we feel now is appropriately described as NAAPAKAN.
Steven, magdala ka ng maraming kopya sa Komikon, pwede ka magbenta sa booth ko.
Sana niliitan na lang ng Inquirer ang strip ni Carlo. Ewan ko kung bakit ganun kalaki. Malabo na ba ang mata ng mga tao? Basang basa mo kahit nasa malayo ka.
Ah, so may culpability din pala talaga si CJC sa Inquirer na yun. I’m not really surprised anymore.
sorry po tita ofie, madami rin kasing babae yung dumalo, kaya kala ko nadun din kayo, kasi di ko pa kayo nakikilala noon.
# Ofelia on September 25th, 2007 9:35 pm
‘andun si randy, si kc, si tita ofie.’
nerp,
sa manila book fair tayo nagkita. hindi ako dumalo sa 2nd komiks congress. at sadyang hindi ako dumalo…
“tama ka dito. mabuti na lang at di ito ginagawa ng taga komiks. matatalino naman siguro ang mga beterano at sa pagkakaintindi ko ay di gagawin ang sambahin at gawa ng altar.”
uulitin ko, wala akong isyu sa mga beterano. malaki respeto ko sa kanila. masarap silang mga kasama, lalo na sina mang abe at mang nestor na nagbigay sa akin ng tips regarding sa art.
“tama nga pala. ano pala ang issues na di ka agree? dapat pala nagpaliwanag ka dito bago ka nagpakita ng inis sa kanila di ba? linawin mo ang bagay na nagpapainis sa iyo? pwede ba? o kung ano ang sinabi nila?”
ok, para sa iyo, uulitin ko ulit kahit ilang beses na itong nasulat.
1. rights
2. original art
3. rates
4. distribution – di ko na papaliwanag pa to ng husto dahil napost ko na sa iba. baka nga resbakan ako at makasuhan pa ako ng libel, wala akong pera para gastusan ito
“tama ka uli dito. meron naman akong nakikitang komiks na matitino kagaya ng elmer ni gerry alaguilan,maskarado ni reno, yun gawa nina kadyo at bong leal? tama ba? yun namang di matino ang pagkakagawa ng drawing except yun story ay ang BASTED na nakakahiyang mga drawing na nakita ko.kailangan ng improvement at parang hindi dumaan sa training ang mga artist. kay lan medina at bing at noora ang nakita kong magaganda ang trabaho. meron pa akong ibang nakikitang komiks na kailangan pang pagandahin ang mga drawing.”
di man matino ang title na basted ayon sa iyo (pero kung sa akin lang e mas maganda ito kesa sa mga ibang komiks na lumabas noon), pero malaki rin ang kontribusyon nito sa komiks di mo matatawaran ang mga ibang artist na kasama dito.
sa pagkakaalam ko maganda ang benta nito kahit sa metro lang lumabas. kung ito ay di nasundan, dahil may dahilan din. di ko na rin sasabihin dito baka ma-libel din ako.
“ano ka ba, tsong! nandun ka nga pero di mo naman ipinaalam na inis ka kina joelad at cjc. kung sinabi mo ito nang harapan sa kanila ay di naman siguro maiinis ang dalawa. ang maiinis sa iyo ang ang mga kasamahan niya sa komiks”
para ano pa kung magsalita ako sino ba ako dun? ako lang ata ang sinisipon dun kung komiks ang pag-uusapan. di naman lang ako yung nag-question sa mga sinabi nila dun, meron ibang sumalungat na mas may karapatang magsalita. ang tinanong ko dun ay yung issue mango, sinagot nila, pero di rin ako agree sa sagot, babae pa nga ang nagsalita dito (yung kala ko si tita ofie) mahaba rin yung tinalakay nila (rates)pero ang bagsak nito e kung ayaw niyo sa amin, dun kayo sa iba.
aangal pa ko e galing na sa kanila. sinundan pa ng, gagawa ako ng libre! kawawa naman yung mga taong umasa na magkatrabaho. sa dami ng dumalo noon at sa bilang ng artists/writers na lumabas sa limang komiks, mukhang iilan lang ang nabiyayaan, yung iba e doble pa.
aagree ako dito? e kita na resulta
aangal pa ba ako? suntok na yun sa buwan
“naku tsong, di ito paligsahan ng pagod. ang salitang hero na tinukoy ay si joelad ay sa mga bibig ng taga komiks nanggaling kaya sila na lang ang tanungin mo.”
di nga ito ito paligsahan, pero ang sa akin lang e, give credit to where credit is due. so hero siya sa mga mata ng beterano.
pero dapat ata si cjc ang hero, dahil siya ang bumuhay ng komiks! ay, king of komiks na pala siya di ba, pero siya raw ang bumuhay ng komiks kaya dapat lang.
hindi si joe lad na nag coordinate sa kwf
hindi si mang nestor na panangunahan ang pag-assemble ng mga artist.
hindi yung publisher ng tiktik ata, na unang nagpakontes para sa komiks na ikinatuwa ng marami.
hindi sina randy at john at ibang beterano na nagpakapagod sa pagbuo ng exhibit at makasigurong may patutunguhan ang mga sumunod na meeting.
hindi yung mga taong bumuo ng kongreso
hindi yung mga beteranong artist na dumalo sa mga meeting na kaytagal na walang nangyari
hindi sa mango na naglabas ng ilang mga komiks kasama na yung mga tinaguriang mga indie artist nung panahong “patay na ang komiks”
at hindi rin ang sterling na naglalabas ng milyones para magkarron tayo ng komiks.
no comment na ko dito.
“kaya mong sabihin dito ang mga tanong mong komiks villain si joelad at kahawig niya yung nilapa ni kroko? ”
hindi si joe lad ang nilamon ni kroko, si look alike ni gerry yun.
“sabihin mo ng harapan sa mga kasamahan niya sa komiks o kaya sa kanya mismo at huwag dito sa website at bibilib na ako sa tapang mo.”
so kelangan ko pa silang harapin? what for? blog ito and it serves its purpose, nailabas na ang mga issue.
kelangan ko pang ipaliwanag kung bakit di ako agree sa kanilang hero? kelangan humarap din ba ni gerry? ng ibang beterano na hindi pabor sa mga nangyayari?(sa pkmb po tinutukoy ko) kelangan bang umakyat ako sa stage
ang di na ako pagpunta sa mga sumunod na meeting dahil nga sa mga issue na di ako pabor. pupunta pa ba ako? para ano?
di ko kailangang pabilibin ang sinuman na matapang ako, di tapang ang pinag-uusapan dito.
prinsipyo, paninindigan at pagkalinga sa tama ang dapat.
diskusyon lang po ito.
-peace
So, ngayon ay lumabas na ang mga hinanakit nyo dito sa journal ni Gerry Alanguilan.Kailangan lang talagang galitin ang mga nandito minsan para lumabas ang tunay na kulay at mga hinanakit at nagtagumpay ako dito.Sa mga nagbabasa dito ay kayo na ang bahalang ma isip at humusga.Pasensya na sa mga nasagasaan ko dito at huwag nyong itanim sa isip ang galit kundi hanapin natin ang solusyon sa mga problema, maliwanag ba?
Tapos na po.
Whoa! Naging intense ang usapan dito sa muli kong pagbasa ng mga post dito. Salamat at naipost pa rin ni Sir Gerry.
Sa kaalaman ng lahat heto ang aking reaction sa
cjc-sterling tandem, komiks congress at sa Inquirer incident:
(URL)http://johnbecaro.deviantart.com/journal/14569919/#comments(URL)
heto pa ang ibang sentimyento:
(URL)http://www.syeri.deviantart.com/journal/14492965/#comments(URL)
(URL)http://www.guisadong-gulay.deviantart.com/journal/14757661/#comments(URL)
At sa kay Ginoong Ricardo,
Sana naman ay WAG BALEWALAIN ang mga nababasa ninyong hinaing dito sa internet bagkus gawin nyu sana itong basehan sa mga susunod nyung desisyon.
LALO Na at napaka “valid” yung rant nina NERP at iba pa dito—sa mga nagbabasa, wag nyu naman po bigyan ng kahulugan at gawing argumento ang mga bagay na hindi na sakop sa pagkokomiks at isama pa lagi sa argumento ang personal na bagay sa isang nag ko comment na kadalasan nauuwi sa kung saan, at wag po tayu mawala sa usapan.Maging Mapagmasid
sa need ng mga kausap, wag yung tayu lang ang nasusunod.
Masakit kasi minsan basahin na pare pareho lang naman tayu ng gustong mangyari sa ating industriya, heto at may iilan na nagproproclaim
na sila daw ang “sugo” at nang aapak pa…masakit isipin na hindi nabibigyan ng wastong recognition ang mga dapat kinikilala ng ating industriya. Ang daming unsung heroes tayu na dapat bigyan ng pansin. Ang daming issue ang hindi nalilinaw gawa ng pagiging “hipokrito” ng iba nating mga kapatid.
COMPASSION ang dapat ipakita ng ating “modern media standard bearer of his own titles” na si CJC, sana magpakita siya ng magandang ehemplo at simbolo sa mga kabataang katulad ko.
Sa tingin ko aabot tayu sa punto na mag eevolved na totally ang industriya natin dahil sa pinapakitang OPENNESS ng Sterling. Walang ibang makikinabang dito, kundi tayung lahat at ang mga susunod pang henerasyon! TIGILAN NA ANG PUKULAN NG MGA PERSONAL NA BAGAY AT MATOTO TAYUNG PAG ARALAN KUNG PANU NATIN I TE TAKE ADVANTAGE ANG CO- EXISTENCE NG BAWAT ISA. MAGTULUNGAN TAYo.
Ay…violent ang mga tao :)
violent?! saan?
peace!
aba, ang haba na pala nito
Randy,
Naging Thermopylae.