If you wish to contact me for any particular reason, please click here.


Word of the Lourd: Alagad ng Singit
http://www.youtube.com/watch?v=ZiWbyZMR0xA
Video by Lourd De Veyra

Comments

10 Responses to “Bakit, Ano Ba ang Problema Ke Caparas?”

  1. mico suayan on August 25th, 2009 11:02 pm

    Hindi daw ata matutuloy awarding ceremony. Pagaaralan pa daw siya or something. This is a great news!!!

  2. Jun Pamintuan on August 25th, 2009 11:39 pm

    @ Mico Suayan
    Yes. The Supreme Court temporarily suspended the awarding of NA titles for this year. That includes CJC’s NA for Visual Arts and Film. Also, Malacanang says they will respect the Supreme Court’s decision on this. I hope all goes well from here on.

  3. Jun Pamintuan on August 25th, 2009 11:43 pm
  4. Pope on August 25th, 2009 11:53 pm

    Kanina sa bus, mga 11:45 pm ad sa Saksi: May plano daw tumakbo si Mr. Cap’n Shades sa senado

    *dun-duuuuuuuun*

  5. Jose Mari Lee on August 26th, 2009 2:25 am

    “Kanina sa bus, mga 11:45 pm ad sa Saksi: May plano daw tumakbo si Mr. Cap’n Shades sa senado”

    Para ano…

    Madagdagan pa ang mga BOBO at ESTUPIDO sa senado?

    Ay, ay, kalisud.

  6. auggie on August 26th, 2009 10:47 am

    JM,

    Ang Dami na nga Eh, eh puro naman PUBLIC COFFERS lang ang habol ng mga iyan eh…..
    Bakit si Willie Revillame, rin tumakbo ?

  7. Jun Pamintuan on August 26th, 2009 11:53 am

    @ Jose Mari Lee

    When asked if he will run for senator (because it seems he really is planning to run), CJC said something like:

    “Why not? Kasi kailangan natin ng isang taong malinis na nasa pusisyon..”

    Ano raw??? Kumakain pa naman ako nung narinig ko yung news na yun. Hahaha!

  8. Jose Mari Lee on August 26th, 2009 12:13 pm

    Auggie:

    Very disillusioning ito. Siguro. kung walang inherent sense of humor ang Filipinos, baka magrebolusyon na ang masa. Paano nga’y sila ang labis na naghihirap sa ganitong kalakaran sa bansa.

    Meanwhile, ang mga politicians ay puro paporma ang asta. Dadgdagan pa ng another porma ng Baseball cap at dark sunglasses. Nakakairita na talaga. Nagngingilo na ang mga ngipin ko sa walang katapusang NGASHING dahil sa mga araw-araw na developments. Puro kasi posing at lip service ang alam ng mga ito. Puro naman palpak mga desisyon para sa bayan.

    Baka nga makabalik uli si Erap. Nanay ko. Kung sabvagay, illegal ang pag-yank sa kanya noon, para palitan ng sa tingin ko’y mas labis pa sa inalis. I have nothing but respect for Cory for apologizing to Erap. Not because the latter deserves it (he also abused), but because she supported the removal of Erap.

    Though we have learned a very good lesson in the process. We should never yank out a government official duly elected by the people. Kahi’t pa corrupt ito, patapusin ang torno bago kasuhan. Huwag alisin sa gitna ng puwesto dahil gulo lamang ang maidudulot nito.

    Siguro kung diyan ako nakatira ngayon, iikli ang buhay ko sa inis.

    Lalo na itong National Artist kaguluhang ito. Noong time ni Marcos, si Imelda, hindi ito nakialam sa mga pilian. Kung sino ang napili ng lupon, iyon ang ginawaran.

    Lumalabas pa tuloy na ngayon ay mas abusado na ang mga pangulo natin diyan. Erap gave the honor to Ernani Cuenco. Napa-aray ako dito. Maihahanay ko ba si Ernani kay LUCIO SAN PEDRO? Por Dios. Pakinggan mo na lang ang music ng DARNA (1950) talagang dapat mabigyan ng honor ito. E, si Ernani, na pagdating sa buntalan eksena ni Erap, halimbawa na lang doon sa KUMANDER ALIBASBAS (1981) binanatan ng musikang akala mo’y pinupulpok na palayok na hindi mo maintidihan, ewan.

    Ngayon naman si Cecile Guidote Alvarez. Ano ba ang akala nila dito, si ATANG DE LA RAMA? Napa-antanda talaga ako nang isambulat ito ni Arroyo. Sinundan pa ni CJC. Dito ang talagang NAWALAN AKO NG ULIRAT. Innanounce ito, nawalan ako ng malay, nang ako’y matauhan, naka-angat na sa SUPREME COURT.

    BAWIIN sana para naman maibalik ang PITAGAN ng artistic community sa ganitong mga pagbibigay puri sa mga tunay na deserving.
    Ganito ba ang tinatawag nilang art?

  9. Jose Mari Lee on August 26th, 2009 2:43 pm

    ““Why not? Kasi kailangan natin ng isang taong malinis na nasa pusisyon..”

    Ano raw??? Kumakain pa naman ako nung narinig ko yung news na yun. Hahaha!”

    Jun Pamintuan:

    He-he. Buweno, bago ka ma-choke, itanong mo muna kina Caparas at Morato kung magkano ba talaga ang KINITA nila sa PCSO. Dito nga natin siguro malalaman kung dapat ngang magkaroon ng honest na tao sa gobiyerno.

    Itong si Manoling,
    primero unong balimbing.

    Asus. Muntik pa akong sumulat ng tula.

    Noong senador pa lang si Arroyo, inisnab nito. Nasa gate ng bahay niya si Arroyo, nag-door bell. Hindi binuksan ng pinto. Nakadikit ito kay FVR noon, kaya kung anong intriga ang ginawa kay Erap. Nang maupo si Erap, kandarapang halos maglumuhod kay Erap. Isnabin nga ni Erap. Ayan. Nang maupo si Arroyo, na dati’y binabale-wala niya, ayun. alam na natin kung ano ang ginawa. Itanong kay Morato at Caparas. Dahil sa PCSO kaya sila NAGING magkaibigan. Kapag nagkandidato, iboto na sina Morato at Caparas, mga tunay na honest na tao sa gobiyernong Pilipino.

    Hay, buhay, sabi nga ni BOYOYOY, yung cartoon character ni Ravelo sa Buhay Pilipino na tabinge ang ulo.

  10. mz.josephine on August 26th, 2009 7:43 pm

    So, hindi naman pala kami nagkamali ng hinala sa tunay na puntirya ng “Komiks King” daw.

    You see, long before the current NA issue exploded, and immediately after the first Komiks Congress, we suspected that CJC’s real goal was an elective position.

    Tapos, ayon pala kay Ricardo F. Lo (The Filipino Express, March 25, 2001; link http://www.highbeam.com/doc/1P1-79224215.html):

    “Until last week when news broke that her husband, director-producer (and
    Komiks King) Carlo J. Caparas, was being wooed to run for Governor of Rizal
    (Carlo backed out, saying that he might, just might, run in 2004 not for
    governor but for Senator)…”

    I was shocked when I came across the above, in my research, recently. May plano pala talaga in place at noon pang 2001?

    Ang mas shocking ay ito: malamang siyang manalo, sikat kasi, unless biglang nagkaisip at tumalino ang taong-bayan na bumoto noon kay Estrada.